Friday, June 17, 2016

CRUSHES, ALAM KO RELATABLE TO. KAYA PAGUSAPAN NATIN!

Crushes. Hinahangan. Inspiration. Lahat tayo meron niyan, dahil kung wala ka niyan. Abnormal kana. Check mo rin. Baka alien ka na.

Well, some people say it hurts, pagka yung crush mo may ibang kasama. Pero hindi naman kayo. Crush mo palang, wala ka pa sa 'love'. Have fun being a kid. Marami ka pang pagdadaanan. At dahil crush mo nga lang, wala kang karapatang mag-selos. Pero wala masakit pa rin.

Pagusapan natin yang crush, crush na yan.

Let's start with...

Tanong ng marami,

"BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO?"

Based sa napanood kong video ni MOLLYcules. Sabi niya.

"Normal lang naman ang magka-crush. Insperation. Pero naapektuhan na rin tayo."

Tama nga naman. Ang problema kasi satin o sainyo, nagaasume na tayong crush tayo ng crush natin. Kasi mabait sila sa'tin. Nako, wag ka magpapadala diyan. Control your feelings. Magkaaway ang puso at utak. Pero kung ako sayo, just follow your brain. Lol. Alalay sa damdamin guys and girls.

Balik tayo sa "Bakit hindi ka crush ng crush mo?"

Alam niyo kung bakit?

Nao-awkwardan siya sayo. Na akala niya ikakamamatay mo siya. Or pwede ring ganito yung situation.

Baka naman kasi lalaki ka, pero babae sa puso. So in short. Gay. O di naman kaya babae ka, pero lalaki sa puso. Or pwedeng both. Kaya hindi ka niya crush.

Hindi ka niya kilala. Baka nasa ibang section, grade level o baka nakita mo lang sa isang particular place.

Hindi uso sa kanya yung mukha mo. Pero kahit ganun, relax lang. Chill lang. Hindi sila yung kawalan, tayo ang kawalan. Tayong mga magaganda at gwapo. Yung nagpapahalaga sa kanila.

Remember. Hindi porket gwapo o maganda ka, ay matatagluban na nito ang kaugalian mo.

Mayroon silang 'standards'. At baka hindi ka pumasa standards niya kahit hindi ka niya crush.

Manhid siya, walang pakiramdam. Hindi niya maramdaman yung paghanga o baka nga pagmamahal mo sa kanya. Na kahit bugbugin at saksakin mo siya ng pagmamahal. Wala paring mangyayari, wag ka nang umasa. Manhid nga, tigilan mo na.

Maaaring sikat siya, maraming nagmamahal sa kanya. At mahirap makuha ang attention niya. At lagi mo tong tanong sa sarili mo.

"Hanggang tanaw na lang ba siya?"

O baka naman.

Nagkacrush ka sa fictional character. But they only exist in books. Hindi sila totoo.

Suplada/Suplado si crush. Hindi namamansin. Snobber. Famous nga daw kung baga.

At ang panghuli... yung pinakamasakit sa lahat.

Yung may mahal na siyang iba. Her or his heart is not longer free. May nagmamayari na.

Masakit diba? Ganun talaga. Pero magaral muna tayo.

Siguro naman alam niyo yung puppy love. Pag may crush tayo, ganito yung mga ginagawa natin.

Eye contact. Yung parang nagbu-burn na yung mga mata niyo sa kakatitig sa crush niyo. At inaasahan mo talagang tumitig din siya sayo.

At pag tumingin nga, parang sumabog na yung internal organs o loob-loob mo.
Secret Admirer ka o commonly known as stalker. Pati yung favorites niya alam mo na.

Finafollow mo siya sa twitter. Papansin ka ng papansin. Para ka namang nanalo sa lotto pag nagreply o nilike niya yung tweet mo.

Tapos, pag may problema si crush. At sayo unang lumapit. Ginagawan mo talaga ng paraan para matulungan siya. Kahit alam mo namang hindi mo 'to kaya.

Close kayo sa internet, parang hindi buo yung araw niyo pagka hindi kayo nagusap.

Pero pag in person. Awkward. Manginignginig ka. Hindi ka makapagsalita.

Ikaw naman tong naga-assume na kayo na. Crush mo lang. Wag kang assuming.

Tapos pagkanagkaroon ng siya ng boyfriend or girlfriend. Umiiyak ka talaga ng isang gallon na tubig. Emote to the max.

Sasabihin mo pang. "Pinaasa niya ako, its heartbreaking." For your information. Crush mo lang, hindi naman naging kayo. Bakit heartbreaking. Grabe ah. Iba yung love sa crush.

Pero tandaan mo, wag kang tatabi sa kaibigan mong may crush sa kaklase niyo. Dahil once na nakita niya ito o pinansin siya nito. Hahampasin ka niyan.

Sumunod.

Paano nga ba malalaman kung may crush sayo ang isang tao?
Try mong makipag eye contact. At pagkahindi siya makatitig ng diretso sayo dalawa lang yan. Baka may galit sayo. Or crush ka niya.

Pakiramdaman mo. Pagkanaramdaman mo na yun. Try mong tanungin ng. "May crush ka ba sakin?"

Pero pag mali ka na naman. Baka mag mukha kang assuming.

Well, aral muna tayo okay lang yung 'crush'. Pero yung love. Wag muna.